Umawit sa kagalakan; magdiwang sa awitan Pawiin ang kalungkutan, pagpupuri'y isigaw. Ibunyi S'yang sa ati'y naglapit sa kaibigan At S'yang naghatid sa atin kay Jesus na paanan.
REFRAIN
Awitin, awitin ang awit ng katuwaan Awitin ang awit nitong Pagdiriwang.
Ating batiing may awitan araw ng pagdiriwang; Ang masasayang hosana'y ating ipagsigawan. Kal'walhatian ni Jesus ating pagpupurihan; Ang matandang salaysayin ay ating isaysay.
Salamat sa 'Yo, Amang banal, sa mga kahabagan; Ang lahat nawa ng narito, Ikaw'y pasalamatan. Salamat sa'Yo, O Jesus, sa dugong katubusan. O Banal na Espiritu, kami'y Iyong hingahan.